PNP, tutulong sa maritime law enforcement sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — Handang tulungan at suportahan ang iba pang ahensya ng gobyerno sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea.
Ito ang tahasang sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar para tulungan ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagpapatrulya sa West Philippine Sea upang maprotektahan ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Makikipag-ugnayan sila sa National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS), PCG at BFAR kung ano ang magiging papel ng PNP Maritime Group.
Pero, aminado ang heneral na limitado lamang ang kanilang kagamitan pero sa maliit na paraan ay makakatulong ang kanilang hanay sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa.
- Latest