^

Police Metro

Arawang kaso ng COVID-19 sa Pinas bumaba ng 16% — OCTA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Arawang kaso ng COVID-19 sa Pinas bumaba ng 16% � OCTA
“The most current 7-day average of daily a­verage of new CO­VID-19 cases in the Phi­lippines is 6,522, which is 16% lower compared to the previous week,” ayon sa OCTA Research team.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Iniulat ng OCTA Research Group na bumaba ang bilang ng arawang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mula Mayo 5 hanggang Mayo 11 ng 16% kumpara sa nagdaang linggo.

Ayon sa ulat ng natu­rang grupo, ang bansa ay nakapag-ulat ng 7-day average na 6,522 kaso na may reproduction number na 0.81.

Ang reproduction number na 1.00 o mas mataas dito ay nagpapakita ng patuloy na hawahan ng virus.

“The most current 7-day average of daily a­verage of new CO­VID-19 cases in the Phi­lippines is 6,522, which is 16% lower compared to the previous week,” ayon sa OCTA Research team.

Samantala, nakapag-ulat ang grupo ng pagtaas ng kaso ng virus sa Zamboanga ng 47% na may average na 151 bagong kaso ng COVID-19 sa isang araw.

Ang Puerto Princesa naman ay nakapagtala ng 35% one-week growth rate na may 60 kaso kada araw habang ang Batangas City at Cagayan de Oro City ay nakapagtala din ng pagtaas ng kaso sa nagdaang linggo.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with