Lingküd Bayanihan Caravan inilunsad sa Metro Manila
MANILA, Philippines — IIang grupo mula sa private sector ang nagtipun-tipon upang labanan ang nararanasang kagutuman sa Metro Manila.
Ang Lingküd Bayanihan, isang humanitarian food at relief goods distribution campaign na pinangunahan ng Clean Air Philippines Movement Inc. (CAPMI), ay naglunsad ng caravan sa Hospicio de San Jose, isang homeless shelter sa Quiapo, Maynila, na nasundan pa ng ilang serye ng caravan sa iba pang bahagi ng Maynila, Quezon City at maging sa ibang dako ng Metro Manila upang tugunan ang kagutuman ng mas nangangailangan dahil sa pagkawala ng kanilang hanapbuhay dulot ng mas mahigpit na modified enhanced community quarantine.
“LINGKOD meaning service and BAYANIHAN that also means working together, are two traditions deeply embedded in every Filipino blood. Let us awaken these spirits inside all of us now so we can truly help our suffering people as we fight this common enemy called COVID-19,” saad ni CAPMI president Atty. Leo O. Olarte, M.D.
Hiniling niya ang malawakang suporta sa kanilang malinis na hangarin na mabigyan ng makakain ang mga nagdarahop at nagugutom na mamamayan ng Metro Manila.
- Latest