Q1 build target ng Globe ‘on track’
MANILA, Philippines — Nananatiling ‘on track’ ang Globe sa build target nito para sa first quarter ng 2021.
Ang kompanya ay nakapagtayo na ng 318 bagong cell towers sa mga strategic location sa buong bansa at pinalakas pa ng 20 stand alone in-building solutions (IBS) sa mga mahahalaga ring lugar.
Sa 5G space, ang pagsisikap ng Globe na palawakin pa ang 5G services ay nananatili ring nasa tamang direksiyon sa pagtatayo ng 1,383 sites sa NCR, Bacolod, Boracay, Cebu, Iloilo, Cagayan de Oro at Davao hanggang noong katapusan ng Marso.
“While our numbers are good for the first quarter of the year, there is still a lot more work to be done. We need to continue this momentum and rise above quarantine challenges to meet the growing demand of our customers,” wika ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.
Natapos na rin ng kompanya ang expansion ng hindi bababa sa 4,210 sites at ang paglalagay ng 274,000 high-speed lines -- higit pa sa 1/4 ng target nito na one million FTTH lines para sa 2021.
Ang agresibong network rollouts at site upgrades ng Globe ay nagresulta sa mas mahusay na call, SMS at data browsing services sa mga customer nito. Ayon sa Q1 2021 data ng Ookla®, ang nationwide consistency score ng Telco ay mahigit 70 percent na ngayon.
Nagtala rin ang Globe ng improved latency na may average na 33ms para sa first quarter na mas mababa sa 50ms winning standard na itinakda ng gamers.
- Latest