^

Police Metro

P90 bilyong para sa bakuna hirit ng 3 pandemic czars

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Upang mapaghandaan ang kalusugan ng mamamayang Pilipino, humirit ng P90 bilyon sa Kongreso ang tatlong itinuturing na “pandemic czars” ng gobyerno para pambili ng mga kinakailangang bakuna para sa susunod na taon.

Ito ay matapos umanong makaharap kamakalawa ng gabi nina Senate President Vicente Sotto III at Panfilo Lacson sina vaccine czar Carlito Galvez Jr., testing czar Vince Dizon at contact tracing czar Benjamin Magalong.

Sinabi ni Lacson na kabilang sa mga ibinahagi sa kanila ng tatlo ang pangangailangan sa P90 bilyong pondo para pambili ng mga kailangang bakuna para sa susunod na taon.

Paliwanag ng Senador, hindi umano ito kasama sa regular budget ng Department of Health (DOH), subalit partikular itong ilalaan na pambili ng mga bakuna para hindi magamit sa iba at agad na mailalabas kung kinakailangan.

Maliban dito, may hirit din umano na maglaan ng P20 bilyon para sa Bayanihan 3, su­balit pinayuhan umano ni Lacson ang tatlo na subukan munang humugot sa mga hindi nagagamit na pondo  ng ilang ahensiya. Ito ay dahil pinapayagan naman ito sa ilalim ng Saligang Batas at Bayanihan laws.

vuukle comment

CARLITO GALVEZ JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with