‘Megaphone diplomacy’ itapat sa ‘gunboat diplomacy’ ng China — Drilon
MANILA, Philippines — Iminungkahi kahapon ni Senator Franklin Drilon na dapat ipagpatuloy na lang ng Pilipinas ang “megaphone diplomacy” bilang pantapat sa “gunboat diplomacy” ng China.
Ayon kay Drilon, dapat ituloy ng Pilipinas ang pag-pressure sa China sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng mga ilegal activities nito sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng “megaphone diplomacy”. Posible aniyang ito na lang ang maaaring magawa ng Pilipinas katapat ng pananakot ng China.
Mismong ang Chinese foreign minister ang nagbansag ng “megaphone diplomacy” sa ginagawa ng Pilipinas.
“We must continue to expose these illegal acts of China. That is why megaphone diplomacy, as the Chinese foreign minister would call it, is maybe the appropriate course that we have today so that we can keep China on its toes insofar as the world forum is concerned,” ani Drilon.
Ginawa ni Drilon ang pahayag kasabay ang pagtatanggol niya kay Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. na nadismaya sa China at gumamit na ng maaanghang na salita dahil sa pananatili ng mga Chinese ships sa WPS.
- Latest