^

Police Metro

Presidential elections tuloy sa Mayo 9, 2022

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa kabila ng nararanasang pandemya dahil sa COVID-19, tiniyak kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na tuloy ang pagdaraos ng Presidential Elections sa Mayo 9, 2022.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, handa ang Comelec na magsagawa ng eleksyon sa gitna ng pandemya at kahit na hindi pa naaabot ang “herd immunity” sa bansa.

Sa kasalukuyan, wala pa sa 1% ng populasyon ang may kumpletong bakuna na. 

Nabatid na maaabot lamang umano ang herd immunity kapag nakumpleto na sa bakuna ang 70% ng populasyon ng bansa. Kabilang sa mga pagbabagong gagawin ng Comelec ay ang pagdaragdag ng mga voting precincts. Plano nilang itaas ito sa 110,000 mula sa 84,000 na ginamit noong nakalipas na 2019 elections. Ito ay upang mabisang maipatupad umano ang physical distancing protocol.

Palalawakin din ang sakop ng “absentee vo­ting” sa pagpapalahok na ng mga indibiduwal na may kapansanan at mga senior citizens para hindi na sila magpadagdag ng bilang pagdating sa araw ng halalan.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with