Cash aid distribution sa NCR, nasa 75% na
MANILA, Philippines — Nasa 75% na ngayon ang cash aid distribution rate sa mga naapektuhan ng pandemnya sa National Capital Region (NCR).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Spokesperson Jonathan Malaya na ito’y katumbas ng P8.4 bilyong ayuda na naipamahagi sa may 8,410,659 beneficiaries.
“Dito po sa NCR, nasa 75% na po tayo na nakatanggap ng ayuda so P8.4 billion na po ang naipamigay nating ayuda sa ating mga kababayan, which means 8,410,659 ang mga benepisyaryong nakatanggap ng ayuda,” ayon kay Malaya.
Nabatid na nangunguna sa local government units pagdating sa distribution rate ay ang Caloocan (96.31%), Quezon City (94.96%), Mandaluyong (92.51%), Navotas (90.68%), Manila (88.39%), Pateros (87.69%), at San Juan (80.40%).
Kumpiyansa naman si Malaya na matatapos ang isinasagawang cash aid distribution sa NCR Plus bago ang itinakdang May 15 extended deadline.
- Latest