^

Police Metro

5 patay sa vehicular accident

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lima katao kabilang ang isang mag- asawa ang nasawi sa vehicular accident na naganap sa dalawang bayan sa lalawigan ng Quezon kamakalawa ng gabi, ayon sa ulat ng Quezon Police Provincial Office (QPPO).

Ayon kay QPPO Director PCol. Ericson Dilag, naitala ang unang aksidente sa Maharlika highway, Barangay Sto.Cristo Sariaya, Quezon dakong alas- 8:00 ng gabi.

Binabagtas ng isang Yamaha Mio Sporty na minamaneho ni Ian Dave Seballos, 21, binata ng Candelaria,Quezon ang nasabing kalye nang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa kasalubong na Isuzu Mux na minamaneho ni Sales Martinez, 62 ng Libmanan, Camarines Sur.

Dead on arrival sa ospital si Seballos dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan.

Tumatawid naman sa Eco-Tourism road sakop ng Barangay Manggalang Kiling ng nasabi pa ring bayan dakong alas -8:50 ng gabi ang Racal motorcycle na minamaneho ni Rodrigo Umali nang mabangga ito ng Mitsubishi Adventure ni Sherben Acosta, 38 ng Parañaque.

Hindi na umabot ng buhay sa San Juan Batangas District Hospital ang biktima.

Iniulat naman ni PMajor Marcelito Platino, Chief of Police ng Tagkawayan PNP na namatay habang dinadala sa Maria Eleazar District Hospital ang mag- asawang sina Dandy at Jocelyn Perez, kapwa ng General Trias Cavite at si Jessanto Abellon, 45 ng Camarin, Caloocan dahil sa mga grabeng pinsala sa ulo at mga katawan.

Ang mga biktima ay sakay ng isang To­yo­ta Hilux pick up na minamaneho ng huli nang mawalan ng kontrol dakong 11:45 ng gabi sa Quirino highway Barangay San Isidro saka bumangga sa Manila bound na traktora na minamaneho ni Reymar Ayapana.

Nasa kustodya ng Tagkawayan PNP ang truck driver at nahaharap sa mga kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide and Damage to Property.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with