^

Police Metro

DOH problemado pa rin sa hiring ng health workers

Danilo Garcia - Pang-masa
DOH problemado pa rin sa hiring ng health workers
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 10,568 posisyon ang ka­nilang binuksan para sa mga HCWs na tutulong sa mga pagamutan at mga COVID-19 facilities.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Problemado pa rin ang Department of Health (DOH) sa pagpuno sa mga nakalaang posisyon para sa mga kinakaila­ngang healthcare workers (HCWs) may isang taon na makaraang mag-um­pisa ang COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nasa 10,568 posisyon ang ka­nilang binuksan para sa mga HCWs na tutulong sa mga pagamutan at mga COVID-19 facilities.

Aprubado  na umano ang pondo nito ng Department of Budget and Management (DBM).  Ngu­nit sa kasalukuyan, nasa 8,570 HCWs pa lang ang kanilang naha-hire.

“Meron tayong gap and the challenge still would be the takers - yun pong mga gustong su­mali at magtrabaho sa atin sa gobyerno,” she said.

Dagdag pang problema ng DOH ang pa­tuloy na pagkakahawa ng mga HCWs ng COVID-19.  Sa datos nitong Abril 26, nasa 17,377 HCWs na ang kabuuang bilang na nagpositibo sa COVID-19.

vuukle comment

DOH

HEALTHCARE WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with