^

Police Metro

Mas maraming COVID-19 beds para maibaba sa GCQ — DTI

Danilo Garcia - Pang-masa
Mas maraming COVID-19 beds para maibaba sa GCQ � DTI
Ang larawan ay kuha nitong nakaraang Abril 6, 2021 na pinapakita ang isang kapamilya suot ang PPE upang makita ang isang kaanak na may sakit ng COVID-19 sa isang gawang ward na hospital sa Maynila.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) na maaari na umanong maibaba sa “general community quarantine (GCQ)” sa NCR Plus umpisa ngayong Mayo kung madaragdagan ang COVID-19 beds sa mga pagamutan para sa mga malulubha ang kalagayan.

Ito ang sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na umaasa siya na maiba­ba na ang GCQ umpisa nga­yong Mayo ngunit kung ito ay mareresolba na ng pamahalaan ang mataas na “occupancy rates” ng mga Intensive Care Units (ICU) kasabay ng mga epektibong “contact tracing”.

“But if we need more time for that, assuming cases are still up, of course hindi pwedeng basta ka lang mag-GCQ on May 1. Yan yung mga binabalanse natin. Pag na-solve natin yun, possible May 1, if not, May 15,” ayon kay Lopez.

Una nang sinabi ng National Economic Deve­lopment Authority (NEDA) na umabot na sa P83.3 bilyon kita ang nawala sa mga residente ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna sa loob ng dalawang linggong pagpapatupad ng ECQ.

Ibinaba na ang klasipikasyon sa NCR Plus sa Modified General Community Quarantine (MECQ) na ipinapanukala ng ilang sektor na ipagpatuloy sa buong buwan ng Mayo para makakita ng mas magandang resulta sa pagpapababa ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19.

vuukle comment

COVID-19

DTI

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with