Shellfish sa 7 lugar, bawal munang kainin -- BFAR
MANILA, Philippines — Matapos na makitaan ng red tide, ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagkolekta, pagbenta at pagkain ng shellfIsh products tulad ng tahong, halaan at talaba sa pitong mga lugar sa bansa.
Ayon sa BFAR, mataas sa lason o red tide toxicity level sa baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Coastal Waters sa Calubian, Leyte; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Balite Bay, Mati City Davao Oriental; at Lianga Bay at Coastal waters ng Hinatuan Surigao del Sur.
Gayunman, sinabi ng BFAR na ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimasag mula sa naturang mga baybayin basta’t linising mabuti bago lutuin at kainin. Ang Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte ay ligtas na sa red tide.
- Latest