^

Police Metro

Drug bust: 6 timbog sa P122.4 milyong shabu

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ang anim ka­tao, kabilang ang isang menor-de-edad sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA sa Las Piñas, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Reyano Oraid; Khen Moreno; Efren Ma­ngona, Abdulmunir Addin; Shay An Mokamad; at isang menor de edad, pawang nakatira sa Tionquiao St., Gatchalian Subdivision ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, alas-10:30 ng gabi nang isagawa ang drug operation sa mismong tahanan ng mga suspek.

Nabatid na isang  ahente ng PDEA ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ang anim.

Nakuha mula sa mga suspek ang 18 kilos na shabu na nagkakahalaga ng P122,400,000.00, pu­ting Mitsubishi Expander na may plakang NFU 8599, pulang KIA RIO (EG 28-74), dalawang cell­phone na gamit sa pakikipag-transaksyon sa kanilang mga parukyano at buy-bust money.

Nasa PDEA detention cell  ang  anim na suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with