^

Police Metro

9 tiklo sa P30 milyong halaga ng COVID-19 test kits

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang siyam na katao na sangkot sa iligal na bentahan ng COVID-19 test kits na nagkakahalaga ng P30 milyon sa isang entrapment operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspect na sina Marize Santiago, 28; Joshua Raphael Bautista Ramirez, 21; Zeus Ca­tamora Jimena, 27; John Vincent Almante Sumalabe, 23; Rio Joyce Mingay Perando, 20; Hermogenes Rivero Villordon, 28; Jomari Pareja Estrada, 21; John Marthy De Jesus Parentela, 22 at John Paolo Solibaga San Pedro, 28.

Nag-ugat ang operasyon base sa report na may nagaganap na iligal na bentahan ng mga test kits at diagnostic test na kinabibilangan ng Joinstar, Clungene rapid test kit, Innovita antibody test, Sanli disposable virus specimen, at Wondfo rapid test kit na kung saan ay nagawa pa umano ng mga suspect na i-online selling.

Nang makumpirma sa Food and Drug Adminis­tration (FDA), na walang  otorisasyon ang bentahan ng test kit ay agad na isinagawa ang entrapment operations sa Brgy. South Triangle, Quezon City.

Dinakma agad ang  mga suspek nang tanggapin ang kabayarang  P204,000 para sa 30 kahon ng Clungene rapid test kit at nabigo ang mga ito na magpakita ng license to operate o special permit sa pagbebenta ng test kits sa ilalim ng FDA Circular No. 2020-016.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with