DOTr: Free ride service para sa health workers, APORs
MANILA, Philippines — Makakasakay na ng libre ang mga health workers at Authorized Persons Outside Residence (APORs) matapos na ipag-utos kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade ang nationwide implementation ng kanilang Free Ride Service Program.
Inatasan ni Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin pa ang implementasyon ng Free Ride Service Program, hindi lamang sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, kundi maging sa iba pang bahagi ng bansa, maging ano man ang umiiral na community quarantine level doon.
Anya, layunin ng programa na matulungan ang mga essential workers na makarating sa kanilang destinasyon ng ligtas nang hindi na sila gagastos pa.
Ipatutupad aniya ang Free Ride Service for Health Workers and APORs hanggang sa panahong ang pondong inilaan ng Bayanihan to Recover As Once (Bayanihan II) para sa Service Contracting Program ay magamit nang lahat at ma-disbursed.
- Latest