Penalty ng telco sa NTC, dagdag pondo sa pambili ng COVID-19 vaccine
MANILA, Philippines — Maaaring magamit ng pamahalaan na dagdag pondo sa pambili ng bakuna laban sa COVID-19 ang malaking penalty ng isang telephone company sa National Telecommunication Commission (NTC).
Ito ang sinabi ni Terry Ridon, Infrawatch PH convenor at dating House legislative franchises committee member kung magsasampa ng Motion for Early Resolution sa Supreme Court ang NTC para pinal na maresolba ang apela ng NOW Telecom na humihirit ng rekonsiderasyon sa desisyon ng Court of Appeals noong 2009 na kumakatig sa letter-assessment ng NTC para pagbayarin ng P126,094,195.67 supervision and regulation fees at P9,674,190.00 spectrum user fees.
Sa isang statement na ipinalabas ng NTC sa na may standing obligation ang NOW Telecom na aabot sa mahigit P2.5 bilyon na kung masisingil ay maaaring dagdag pondo ng gobyerno na magagamit laban sa pandemya.
Batay sa 2019 annual report ng Commission on Audit na may ipinoprotestang receivables ang NTC na umaabot sa P3,304,104634.36 kung saan tanging apat na kaso ang nasasaklaw ng P3.216 billion o 97.3-porsiyento ng kabuuang halaga.
- Latest