‘Resiliency building innovations’ isinulong sa Kamara
MANILA, Philippines — Para maiwanan na ang “mga patay na industriya at lumikha ng mga bago na higit na matatag sa hagupit ng mga pagsubok” gaya ng pandemyang COVID-19 ay isinusulong ni House Ways and Means Committee chair, Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ang “resiliency-building innovations “ sa ilalim ng bagong batas na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
Anya, dapat itutok ang pansin sa “biotech and agricultural productivity, industry apprenticeships and technology transfer, and resiliency-building innovations in industries aided by research and development” na susi sa muling pagbuhay sa wala nang silbing mga industriya.
Matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang CREATE noong huling linggo ng Marso ay pinasimulan na ng DTI at ng Board of Investments (BOI) ang paglikha ng Strategic Investment Priorities Plan (SIPP) kung saan kasama ang listahan ng mga sektor na kwalipikado sa mga insentibong laan sa ilalim ng CREATE.
- Latest