Envoy: US ships darating sa South China Sea
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na inaasahan ang mas maraming barko ng Estados Unidos na darating sa South China Sea.
“US freedom of navigation operations ay tuluy-tuloy ‘yan. They’ve been increasing it in the past several months … precisely to protect the seaway there,” ani Romualdez.
“Freedom of navigation [means], any vessel can pass through there without any harassment or any stop from any country,” dagdag nito.
Matatandaan nitong Abril 4 nagsagawa ng routine operations ang Theodore Roosevelt Carrier Strike Group (TRCSG) ng US Navy sa South China Sea at ito na ang ikalawang beses na nagsagawa ng operasyon ang US Navy sa lugar ngayong taon.
Nilinaw pa ni Romualdez na suportado ng US ang protesta ng bansa South China Sea at tiniyak na handa silang tumulong sa Pilipinas kapag humingi ng tulong sakaling mabigat ang ginagawa ng China.
Umaasa naman si Romualdez na aalis na ang mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef at sa iba pang teritoryo ng Pilipinas dahil hindi naman kalaban ang China.
- Latest