ECQ giit I-extend ng 1-linggo
MANILA, Philippines — Upang matuldukan ang pagkalat ng COVID-19, pabor ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na mapalawig pa ng isang linggo ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.
Ayon kay Officer-in-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., posibleng hindi pa sapat ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) para matuldukan ang COVID-19 surge sa NCR plus.
Gayunman, ang Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 response aniya ang magdedesisyon hinggil dito.
“Almost 2 weeks na tayo pero ‘di pa natin ganap na nararamdaman ‘yung epekto nito (ECQ) so probably another week will be enough,” ani Florece sa isang panayam.
Aniya, magpupulong ang IATF nitong Sabado upang talakayin ang magiging sunod na lockdown status sa NCR plus.
Matatandaang ang ECQ sa NCR Plus areas ay sinimulang ipatupad noong Marso 29 at nakatakdang magtapos ngayong araw, Abril 11.
- Latest