Roque isinugod sa ospital dahil sa COVID-19
MANILA, Philippines — Isinugod sa ospital si Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa sakit na COVID-19.
Sa kanyang press statement, kinumpirma ni Roque na naka-confine siya ngayon sa isang ospital na ‘di tinukoy na pangalan at saang lugar.
“I am now admitted in a hospital for COVID treatment,” ani Roque.
Sinabi ni Roque na masyadong nakakahawa na ngayon ang COVID-19 kaya dapat mas pag-ibayuhin ang pag-iingat.
Kahit nasa ospital, sinabi ni Roque na siya pa rin ang mag-aanunsiyo kung ano ang magiging “risk classification” ng National Capital Region plus bubble na pinag-usapan kahapon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.
Nauna rito, lumabas sa isang ulat na nasa Philippine General Hospital (PGH) si Roque.
- Latest