‘Unintended’ pregnancy tutulungan ng PopCom
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Commission on Population and Development (PopCom) na kanilang tutulungan ang mga kababaihan na may “unintended pregnancies” lalo na sa panahon ng pandemya.
Sa pakikipagtulungan ng Popcom at Department of Social Welfare and Development (DSWD), sisimulan ang “social protection program” para sa unintended pregnancies para maibigay ng pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa young heads of families.
Ang hakbang ay ginawa ng Popcom nang iulat ng University of the Philippines Population Institute (UPPI) at United Nations Population Fund (UNFPA) na may 42 percent dagdag sa unintended pregnancies sa mga Pilipino o may halos 79,000 ang naitalang bagong unintended pregnancies kada buwan.
Ayon kay PopCom chief Dr. Juan Antonio Perez III, kailangang maalalayan ang mga unintended pregnancies para mabigyang kaalaman kung paano mamuhay ng maayos lalo na ngayong pandemya.
- Latest