^

Police Metro

15-anyos binatilyo kinatay ng kapwa menor-de-edad

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang 15-anyos na binatilyo nang pagsasaksakin ng kapwa niya binatilyo naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Hamoraon, Minabalac, Camarines Sur.

Lumuwa ang bituka ng biktimang si Darwin Cortez Dotillos, ng Brgy. Bagoladio, Bula habang sinampahan ng kasong pagpatay ang suspek na itinago sa pangalang Noel,15-anyos, ng Zone-5, Sitio Pag-asa, Brgy. Salingogon.

Sa ulat, alas-7:30 ng gabi sa hindi pa malamang dahilan ay walang kaabog-abog na pinagsasaksak ni Noel ang biktima sa tiyan.

Mabilis na sinaklolohan ng mga residente ang biktima at tinalian ang malaking sugat sa tiyan makaraang makitang lumuwa ang bituka nito na agad nitong ikinasawi.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with