^

Police Metro

Pinas magiging sentro ng ‘research and development’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos pinagtibay kamakailan ng Science Committee ng Kamara ay tiyak na maibabalik bilang ‘research and development (R&D) hub in science and technology’ o sentro ng pananaliksik sa agham at teknolohiya sa rehiyon ng ASEAN.

Ito ang sinabi ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ang may-akda ng panukalang batas na layunin na manguna ang Pilipinas bilang sentro ng R&D gaya ng dati, kung kailan itinuturing ito ng mga ahensiya sa pananaliksik gaya ng ‘IRRI (International Rice Research Institute), Texas Instruments’ at iba pa, na dapat nilang kalagyan sa rehiyon ng ASEAN.

Anya, ang isang problema ay matagal nang hindi binigyan ng sapat na atensiyon at suportang pondo ang Science and Technology (S&T) o agham at teknolohiya na kung saan sa loob ng ASEAN, Indonesia lamang ang naglalaan ng higit na maliit na bahagi ng kanilang GDP sa R&D.

Sa ilalim ng bill, lilikhain ang ‘Harmonized National Research and Development Agenda (HNRDA) palalawakin ang mahahalagang programa ng ‘Department of Science and Technology (DOST),’ magtatalaga ng ‘Science for Change Fund,’ iaatas sa gobyerno na isulong ang mahahalagang ‘technological developments,’ palalaguin ang ugnayan sa agham ng pribado at pampamahalaang sektor,” at inaatasan ang pamahalaan na paabutin sa 2% ng badyet ng DOST ang laang pundo para sa S&T.

vuukle comment

ASEAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with