^

Police Metro

50 health workers mula Visayas aayuda sa Metro Manila

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region plus ay nasa 50 health workers mula sa Central Visayas ang ipinadala sa Metro Manila upang makadagdag sa kakulangan  sa mga pasilidad ng gobyerno 

Sinabi ni Dr. Mary Jean Loreche, tagapagsalita ng Department of Health- Central Visayas, na alas-3:00 ng hapon kahapon ang flight ng mga health workers patungo sa Metro Manila.

Ito ay sagot sa panawagan ng mga ospital sa Metro Manila at Calabarzon na pawang nagdeklara na ng ‘full capacity’.

Ipahihiram ang health workers sa loob ng isang buwan dahil nasa 28 porsyento lang aniya, ang healthcare critical care utilization rate ng southern region.

 Ani Loreche, una nang nakaranas ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ang southern region na nagawa namang matugunan sa pamamagitan ng “good case management control.”

Makatatanggap ang mga nasabing health workers ng basic at premium pay, special risk allowance at iba pang benepisyo.

Bago naman pabalikin sa Central Visayas, ang mga health workers ay isasailalim muna sa swab tests at uulitin ang tests sa pagdating nila doon at dadaan muna sa isolation period.  

vuukle comment

COVID-19

HEALTH WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with