^

Police Metro

Libreng COVID-19 testing sa mga driver at pasahero, iginiit

Joy Cantos - Pang-masa
Libreng COVID-19 testing sa mga driver at pasahero, iginiit
Ito ang apela ni Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin sa gobyerno, kasunod ng ulat na halos 80 pasahero ng mga colorum na sasakyan na papuntang Bicol mula sa Metro Manila ang nagpositibo sa Covid-19.
Taguig City Government

MANILA, Philippines —“Bigyan ng libreng COVID-19 testing ang public utility drivers at mga pasahero.”

Ito ang apela ni Ako Bicol Partylist Representative Alfredo Garbin sa gobyerno, kasunod ng ulat na halos 80 pasahero ng mga colorum na sasakyan na papuntang Bicol mula sa Metro Manila ang nagpositibo sa Covid-19.

Ayon sa kongresista, maraming magpapalusot kapag walang libreng testing dahil mahal ang swab test.

Kaya naman iginiit nito na magamit ang parte ng pondo ng Pantawid Pasada program at kita mula sa PAGCOR para mabigyan ng libreng RT-PCR test ang mga tsuper at pasahero ng UVs, FXs at mga bus para maiwasang madala pa sa mga probinsya ang sakit.

Naniniwala si Garbin na ang pag-test at pagbabakuna sa mga ito ay makatutulong na mapigilan ang lalo pang pagkalat ng virus.- Jorge Hallare

vuukle comment

COVID-19 TESTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with