Probe sa pagkamatay ng curfew violator sa kamay ng mga pulis — DILG
MANILA, Philippines — Iniatas na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang imbestigasyon ukol sa pagkasawi ng quarantine violator sa Cavite matapos na mag-pumping exercise ng 300 beses.
Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na nakipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police at local government ng General Trias ukol sa insidente.
Ayon sa ulat na nasawi umano si Darren Peñaredondo noong Sabado matapos na mag-pumping ng 300 beses nang mahuli sa pagbili lang sana nito ng mineral water.
Pinasinungalingan naman ni General Trias Police chief Police Lieutenant Colonel Marlo Solero ang alegasyon at sinabing community service ang kanilang parusa sa mga lalabag.
Sa huli ay siniguro ni Malaya na mananagot ang dapat na managot sa insidente. - Joy Cantos
- Latest