^

Police Metro

Women’s Congress laban sa pandemya inilunsad

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bilang pakikiisa sa buwan ng mga kababaihan ay inilunsad ng Malabon Gender and Development (GAD) Center ang Women’s Congress na may temang ‘Kabayanihan ng Kababaihan, Pagkakapantay-pantay at Pag-asenso sa Kabila ng Pandemya’.

Kakaiba ang naging pagdiriwang ng Women’s Month sa lungsod nga­yong taon dahil sa COVID-19 na sinuportahan ni Malabon City Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III at District II Councilor Enzo Oreta.

Ang mga kababaihan mula sa iba’t ibang sektor at organisasyon sa lungsod ay dumalo via Zoom kung saan lima naman sa kanilang mga lider ang nagtungo sa Malabon City Hall Penthouse upang ilatag ang mga layunin na nais nilang isulong para sa mga Kababaihang Malabonian.

Ang mga ito ay naka­sentro sa (1) Karapatan: Pag­laban sa diskriminasyon, (2) Kaligtasan: Pagtuligsa sa Karahasan, (3) Kapakanan: Abot-kamay na mga pangunahing pangangailangan, (4) Kabuhayan: Kapangyarihang magkaroon ng sariling trabaho at kaalamang pinansyal, at (5) Kakayanan: Kapasidad mamuno tungo sa pag-asenso.

“Natutuwa ako na mayroon tayong Wo­men’s Congress. Malaki ang naitutulong ng mga kababaihan sa pag-unlad ng minamahal natin na Malabon,” wika ni Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III.

vuukle comment

CONGRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with