^

Police Metro

Babaeng pasahero hinoldap, pinatay ng Grab driver at kasama

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang Grab driver at kasabwat matapos holdapin at saksakin hanggang sa mamatay ang kanyang babaeng pasahero noong Biyernes Santo sa Quezon City.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina John Lester Alhambra, 24, Grab driver at residente ng Blk 3, Lot 8, Carissa 4C, Brgy. Kaypian, San Jose Del Monte, Bulacan; at Bryan Kennet Yumol, 24, ng Venus Compound, Sitio Libjo, Brgy. Sto. Mini, Parañaque City, ang siyang itinuturong nangholdap at nakapatay sa biktimang si Carlota Antasuda, 24, at residente ng Pasig City noong Abril 2.

Batay sa ulat ng QCPD-Crime Investigation Section (CIS), nagpa-book umano sa Grab si Antasuda at nagpapahatid pauwi ng kanilang tahanan sa Pasig City noong mada­ling araw ng Abril 2.

Isang itim na Toyota Innova na may plakang NDA-3563 na minamaneho ni Alhambra ang dapat sana ay susundo sa biktima, subalit ang duma­ting ay brown na Mitsubishi Montero na sumundo sa biktima dakong alas-12:42 ng madaling araw sa UP Techno Hub, sa Brgy. UP Diliman, Quezon City.

Sumakay ang biktima, ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay nakasakay at nagtatago sa likod ng behikulo si Yumol at dito ay bigla na lang tinutukan ng patalim at nagdeklara ng holdap, at saka kinuha ang mahahalagang gamit.

Nang makuha ang mga gamit ay pinagsasaksak ang biktima at ang bangkay ay itinapon sa isang bakanteng lote sa Ocean Park, sa Brgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Natagpuan ng mga residente ang bangkay alas-12:30 na ng hapon ng nasabi ring petsa at inireport sa mga pulis na nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang gintong kuwintas at isang Anne Klein wristwatch na positibong tinukoy ni Mila Carmel Antasuda, na personal na pagmamay-ari ng kanyang kapatid.

Narekober din ng mga otoridad ang brown na Mitsubishi Montero na may plakang RMZ-170 na siyang ginamit ng mga suspek sa krimen, Rosal St., Old Sta. Mesa, Manila.

vuukle comment

GRAB

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with