^

Police Metro

Defense chief sa mga Chinese ships: Lumayas na kayo diyan sa WPS!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinalalayas ni Defense Secretary Delfin Lorenzana  ang patuloy na pananatili ng 44 pang Chinese vessels sa bahagi ng Julian Felipe Reef sa  pinagtatalunang teri­toryo sa West Philippine Sea (WPS).

Anya, dapat ipaliwanag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, kung bakit nanatili pa rin at nagpapaikut-ikot sa bahagi ng Julian Felipe Reef ang  nasabing mga barko,  gayong maganda na ang panahon.

Una nang ipinaliwanag ni Xilian na sumisilong lamang ang mga Chinese vessels sa lugar sa dahilan masyadong maalon ang karagatan.

Magugunita na noong Marso 7 ng taong ito ay kinum­pirma ng Armed Forces of the Philippines ang pre­sensya ng nasa 120 Chinese vessels na umaaligid sa Julian Felipe Reef na nasasaklaw ng 200 milyang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa at kanilang nilinaw na ang mga naispatang illegal na istraktura sa maritime patrol sa WPS nitong nakalipas na Marso 30 ay hindi mga bagong tayo sa lugar.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with