^

Police Metro

ECQ extension sa NCR plus ‘last resort’— Malacañang

Danilo Garcia - Pang-masa
ECQ extension sa NCR plus �last resort�� Malacañang
“Inaasahan po natin na ang isang linggong ECQ at isang linggo ng NCR Plus bubble, kasama ang mask, hugas, iwas, at pagbabahay bahay ng paghahanap ng may sintomas at pinaigting na testing and isolation, umaasa po tayo na sana po, hindi na kinakailangang mag-extend ng ECQ.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na itinuring na ‘last resort’ ang muling pagpapalawig ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) protocol sa Metro Manila at karatig probinsya.

“Another week or two weeks of MECQ, ’yun po ay magiging absolute last resort,” saad ni Roque sa Palace briefing.

“Inaasahan po natin na ang isang linggong ECQ at isang linggo ng NCR Plus bubble, kasama ang mask, hugas, iwas, at pagbabahay bahay ng paghahanap ng may sintomas at pinaigting na testing and isolation, umaasa po tayo na sana po, hindi na kinakailangang mag-extend ng ECQ.

Kailangan anya ang ECQ upang matiyak na hindi mapupuno ang mga ospital ng COVID patients at sasapat ang bilang upang magamot ang moderate at severe cases.

Ang pahayag na ito ni Roque ay nang pormal na inirekomenda ng Department of Health (DOH) sa pamahalaan ang isang linggong ekstensyon ng enhanced community qua­rantine (ECQ) sa NCR Plus upang mas mabisang mapababa ang mga bagong kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang ideyal na pagpapatupad ng ECQ ay sa loob ng dalawang linggo upang makita ang mabisang epekto nito.

Magsasagawa rin ang DOH at National Economic and Development Authority (NEDA) ng cost-benefit analysis upang tukuyin ang impact ng ECQ extension sa ekonomiya at sa public health.

Matatandaang nitong Marso 29 ay nagpatupad muli ang pamahalaan ng ECQ sa NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

Idinagdag ni Roque, na pinag-iisipan pang mabuti ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hakbang kung palalawigin o hindi ang ECQ kaya magpupulong sila sa Sabado. - Gemma Garcia

Related video:

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with