^

Police Metro

4 miyembro ng kidnapping group todas sa shootout

Doris Franche - Pang-masa
4 miyembro ng kidnapping group todas sa shootout
Nangangalap ng mga ebidensiya sa loob ng sasakyan ng apat na napatay na mga miyembro ng kidnap for ransom group sa isang shootout kahapon ng madaling araw sa Barangay Old Balara, Quezon City. Matagumpay na nailigtas ang dalawang biktima.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang apat na lalaking umano’y mga miyembro ng kidnapping group nang manlaban sa mga miyembro ng PNP Anti-kidnapping Group (AKG) at Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng madaling araw sa may bahagi ng Zuzuarregi St., Batasan, Quezon City habang nailigtas naman ang dalawang biktima.

Kinilala ang mga nasawi na sina Wilbert Bonilla, alias Bongbong, ang lider ng grupo at tatlong hindi pa nakikilalang mga tauhan.

Kinilala naman ang mga nailigtas na sina Edmer Tunagan at Michael Pearsons Bongcaras, kapwa empleyado ng Syndtite Construction Company.

Batay sa ulat, bago nangyari ang engkuwentro, ala-1:40 ng madaling araw sa Capitol Hills kanto ng Zuzuarregui St., Brgy. Old Balara ay nagsagawa muna ng isang buwang surveillance at intel monitoring ang mga otoridad matapos makakuha ng impormasyon na plano ng grupo na dukutin ang isang mayamang negos­yante sa Quezon City.

Mula nang makuha ang impormasyon ay tinugaygayan na ng isang team ang grupo ni Bonilla hanggang isagawa ng mga ito ang pagdukot kina Tunagan at Bongcaras na lulan ng sasak­yan ng kanilang amo na isang Chevrolet na may virtual plate WD9505.

Lulan ng Kia besta van  na may plakang YKZ-682  ang mga suspek nang ­isagawa ng grupo ni Bonilla ang pagdukot sa Commonwealth Avenue kaya’t mabilis na naki­pag-ugnayan ang AKG sa QCPD station 6 na mabilis inalerto ang kanilang mga checkpoint habang nakasunod naman ang team ng anti-kidnapping group.

Nabatid na iniwasan ng grupo ni Bonilla ang checkpoint kaya’t sa kaliwang bahagi ng kalsada ang mga ito dumaan habang  pinaputukan ang mga pulis na bantay nito na nagresulta sa palitan ng putok.

Nailigtas ang dalawang dinukot na tauhan ng cons­truction company at sinabi ng mga ito na posibleng ang may-ari ng kum­panya ang target dukutin ng grupo.

Nasamsam sa crime scene ang isang M-16 rifle na may magazine at mga bala, tatlong. 45 caliber pistol na may magazine at mga bala at isang. 38 caliber revolver.- Mer Layson

vuukle comment

ANTI-KIDNAPPING GROUP

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with