^

Police Metro

PCSO sinuspinde ang lotto games sa ECQ areas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ope­rasyon at pagbola ng kanilang lotto at digit games matapos na isai­lalim ng pamahalaan ang National Capital Region (NCR), Cavite, Rizal, Laguna at Bulacan sa enhanced community qua­rantine (ECQ).

Sa inilabas na anunsiyo ng PCSO kahapon, epektibo ang suspensiyon sa pagbebenta ng tiket para sa lotto at digit games, gayundin ang pagbola sa mga ito, simula Marso 29, Lunes, hanggang sa Marso 31, Miyerkules, habang naka­binbin pa ang pag-apruba sa kahilingan ng PCSO sa pamahalaan na payagan silang makapagsagawa ng lotto at digit draws sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City, na sakop ng NCR.

Samantala, tuloy naman ang operasyon ng small town lottery (STL) at Keno, gayundin ang bentahan ng instant sweepstakes sa mga lugar na hindi sakop ng ECQ maliban na lamang kung may mga pagbabawal na ipalalabas hinggil dito.

Bilang karagdagan, sinabi ng PCSO na magtitigil-operasyon rin ang lahat ng PCSO gaming operations sa buong bansa mula Abril 1 hanggang 4 bilang pag-obserba sa Mahal na Araw, maliban na lamang ito sa STL sa mga lugar na may aprubadong request na makapagsagawa ng selling at draw activities.

vuukle comment

ECQ

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with