^

Police Metro

8 lawyer-senators kinondena ang pagpatay sa abogado, hukom

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinondena ng walong abogadong senador, mula sa minorya at mayorya, ang patuloy na nakaka­alarmang pagpatay at karahasan sa abogado at hukom sa iba’t ibang panig ng bansa.

Inihayag ang bipartisan resolution nina Se­nate Minority Leader Franklin M. Drilon, together with Senators Edgardo “Sonny” Angara, Pia Cayetano, Leila de Lima, Richard Gordon, Francisco “Kiko” Pangi­linan, Aquilino “Koko” Pimentel IV, at Francisco “Tol” Tolentino.

Naghain ng resolus­yon ang mga ito upang hilingin nila kay Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng kaukulang hakbang upang ma­tiyak na ligtas ang mi­yembro ng legal profession.

Tinukoy ng Senate Resolution No, 691 ang datos mula sa Department of Justice na nagsasabing umabot na sa 54 miyembro ng legal profession ang napatay simula noong 2016 at limang kaso ang nakara­ting sa korte.

Nitong Martes­, kinon­­dena ng Supreme Court ang nakakaalar­mang­ bilang ng pagpatay sa abogado at hukom sa bansa.

Idinagdag din ng re­solusyon ang nakalagay sa United Nations Basic Principles on the Role of Lawyers, na dapat tiyakin ng pamahalaan na ligtas­  nilang magagampanan ang kanilang pro­pesyon nang walang pananakot, had­lang, harassment at im­proper interference.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with