^

Police Metro

4 tulak tiklo sa P400K shabu

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na umano’y drug pusher ang naaresto ng mga otoridad sa isang mag­ka­kasunod na buy-bust operations sa Makati City at nasamsam ang nasa P400,000 halaga ng shabu.

Sa ulat, alas-6:00 ng gabi nang madakip sa may JP Rizal Extension sa Brgy. West Rembo ang mga suspek na sina Erwin Aceremo, alyas Longhair, 48 at si Mark Anthony Juan, 41, obrero, kapwa nakatira sa naturang lugar.
Nasabat sa mga suspek­ ang anim na plastic sachet na naglalaman ng tina­tayang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P204,000, isang cellular phone na nakatala ang tran­saksyon ang nakum­piska habang nabawi rin ang P1,000 bill na ginamit na marked money sa ope­rasyon.

Alas-2:40 ng hapon naman nang madakip sa may Mabini Street, Brgy. Poblacion ang mga suspek na sina Liberty Flores, alyas Ety, 46, call center agent; at Michael Rafa, 44, kapwa nakatira sa naturang lugar na kung saan ay nakumpiska sa kanila ang isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 26 na gramo ng shabu na may halagang P176,800; isang cellular phone, P500 bill marked money at mga drug paraphernalias.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with