^

Police Metro

Ginang nilitson nang buhay ng ex-lover

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nilitson nang buhay ang isang ginang ng kanyang dating kinakasama dahil sa sobrang selos nang ipagpalit siya sa ibang lalaki naganap kamakalawa ng gabi sa Talisay City, Cebu.

Kinilala ang biktimang si Baby Mae Agner, 29, nakatira sa Sitio Crusher, Barangay Lawaan 3, Talisay City.

Naka-hospital arrest naman ang suspek na kinila­lang si Dondon Labora, nasa hustong gulang, sanhi ng 2nd degree burn sa katawan.

Batay sa report ng Talisay Police, habang mahim­bing na natutulog ang biktima kasama ang bagong kinakasama na kinilalang si Jay Demana; at 11-anyos na anak ni Agner nang pumasok ang suspek.

Sinasabing nagising na lamang si Demana nang marinig ang pagpasok ng suspek at tinangka siyang saksakin, subalit nakailag at mabilis na lumabas sa bahay, bitbit ang anak ni Agner.

Ilang minuto ang nakalipas, bigla na lamang lumiyab ang bahay at nadamay ang tatlong katabi pang bahay.

Sa pagresponde ng mga otoridad ay agad naapula ang sunog at nakita na lamang ang bangkay ni Baby Mae habang dinala sa ospital si Labora at patuloy na inoobserbahan.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with