Ilang hindi frontliners sumisingit sa vaccination program
MANILA, Philippines — Isang opisyal ng Department of Health (DOH) ang umamin na ilang non-frontliners na indibidwal kabilang ang mga opisyal ng pamahalaan ang sumisingit sa ‘vaccination program’ na dapat sana ay para lang muna sa mga health care workers (HCWs) at iba pang frontliners.
“We’ve had reports of this. Although we’ve been saying this can’t be because we have a prioritized vaccination in terms of health workers. This has been observed. The numbers are very insignificant but we do see a number jumping the queue,” pag-amin ni treatment czar at Health Undersecretary Leopoldo Vega.
Sa kabila nito, bahala na umano ang mga opisyal ng National Task Force Against COVID-19 na namamahala sa bakuna ang magpataw sa mga posibleng parusa.
Sa kasalukuyan ay aabot pa lamang sa 336,656 health workers ang nabakunahan nitong Marso 20 at nasa 1,623 vaccination sites na ang nag-o-operate sa 17 rehiyon sa bansa.
Sa Metro Manila, nasa 71-75% na ng mga healthcare workers ang nabakunahan ngunit nananatiling mababa o nasa 35% pa lamang sa mga probinsya.
- Latest