^

Police Metro

SUV pumasok sa bangko, kawani sugatan

Mer Layson - Pang-masa
SUV pumasok sa bangko, kawani sugatan
Makikita ang Mitsubishi Montero SUV sa loob ng Landbank, EDSA Congressional Branch nang bumangga ito sa bangko at pumasok nang maapakan ng driver ang accelerator ng kanyang sasakyan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Mistulang nag-drive thru sa bangko ang isang SUV matapos na aksidenteng mang-araro na ikinasugat ng isang empleyado sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Aireem Marco, 44, office staff ng Landbank of the Philippines at residente ng Meycauayan, Bulacan na dinala sa East Avenue Medical Center dahil sa tinamong mga sugat sa katawan.

Nasa kustodiya ng pulis­ya ang driver na si Esther Peralta, nasa hustong gulang, isang doktor at residente ng San Bartolome, Novaliches, Quezon City, ay mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in damages to property with physical injuries sa piskalya.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Traffic Sector 6, bago naganap ang insidente, alas-8:05 ng umaga sa parking area ng nasabing bangko, na matatagpuan sa EDSA Northbound, Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City.

Minamaneho ni Peralta ang kanyang Mitsubishi Montero na may plakang UIA-898 sa parking area ng naturang bangko nang aksidenteng maapakan umano nito ang accelerator sanhi upang umarangkada ito at pumasok sa bangko at napinsala ang  bahagi ng bangko na ikinasugat ni Marco.

 

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with