^

Police Metro

Konsehal sa lalawigan ng Quezon kinasuhan ng kidnapping, rape atbp sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang konsehal sa bayan ng Lopez sa lalawigan ng Quezon ang ipinagharap ng mga kaso sa Office of the Ombudsman.

Sinampahan si Councilor Arkie Manuel Yulde ng Lopez, Quezon ng reklamong Grave Abuse of Authority, Grave Misconduct, at Dishonesty and Oppression bukod pa sa kasong kidnapping at rape na isinampa sa San Pablo City RTC ng 18-taong gulang na biktima.

Base sa pitong pahinang salaysay ng biktima na si alyas “Sharon”, iti­nuro nito si Yulde na sinasabing malapit na kaal­yado umano ni Quezon Province Governor Danilo Suarez bilang kumidnap at nanggahasa sa kanya.

Sa salaysay ng dalaga, noong gabi ng April 6, 2019 nang inalok sila ng kanyang katrabaho ni Yulde na ihahatid sa kani-kanilang mga bahay at matapos maihatid ang katrabaho sa bayan ng Pagbilao, hindi na nito naihatid ang biktima  kundi sapilitan umano itong isinama ni Yulde sa isang hotel sa San Pablo City sa Laguna at doon ikinulong at pinagsamantalahan mula gabi ng April 6 hanggang umaga ng April 8.

Umaga ng April 8 nang ilipat ang biktima sa isang budget hotel sa Pasig City at doon ipinagpatuloy ang panggagahasa sa biktima.

Inilipat pa ito noong hapon ng April 11sa isang hotel sa EDSA sa Quezon City at doon ay muling ikinulong at ilang beses pinagsamantalahan.

April 13 na nang ma­ibalik ang biktima sa kanilang bahay sa bayan ng Mauban kung saan binigyan umano nito ng pera ang lola ng dalaga para manahimik.Una nang nadawit si Yulde sa parehong kaso ng kidnapping at panggagahasa sa isa pang biktima noong Marso 2020 gamit ang parehong modus.

vuukle comment

OMBUDSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with