^

Police Metro

Driver ni Mayor Vico patay sa COVID-19

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inianunsyo kahapon ni Pasig City Mayor Vico Sotto, na sasailalim siya sa dalawang linggong qua­rantine matapos na masawi ang kanyang driver sa COVID-19.

“Kasalukuyang ako ay naka-quarantine. Nag-COVID-19 test na ako kahapon bilang ako po ay isang close contact. Strictly susunod tayo sa protocols natin. Hindi muna ako makakapasok sa trabaho at kina-cancel ko muna ang appointment o meeting. Kung maaari ay i-Zoom, Viber, text, and phone call muna ang pagtatrabaho,” aniya sa Facebook Live.

Ani Sotto na huli niyang nakasama ang kanyang driver noong Miyerkules bago dalhin sa ospsital at saka binawian ng buhay nitong Biyernes.

“Nung nakaraang Biyernes ay nawalan tayo ng isang matalik na kaibigan dahil sa COVID-19,  siya ‘yung driver ko kaya talagang close contact ako bagama’t sumusunod naman ako sa health protocols,” aniya pa.

“Nakikiramay tayo sa pamilya ni Kuya Vener, sa mga kaibigan. Wednesday kami huling nagkita bago siya isinugod sa ospital,” mensahe naman ni Vico.

Related video:

vuukle comment

COVID-19

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with