Drug pusher timbog sa P20.4 milyong shabu sa Sulu
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation at nasamsam sa kanya ang nasa P20.4 milyong halaga ng shabu kamakalawa sa Brgy. Walled City, Jolo, Sulu.
Kinilala ang suspek na si Ejek Ali Abduhalim, 44, ng Barangay Bas-Nonok, Lugus, Sulu na nadakip sa pinagsanib na puwersa ng Sulu, Jolo MPS, Indanan MPS, 11th at 35th Mobile Intelligence Battalion na may koordinasyon sa PDEA-BAR.
Nakuha sa suspek ang isang paper bag na naglalaman ng tatlong kilo ng shabu at dalawang cellphones.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 of the Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Abduhalim.
- Latest