^

Police Metro

Magsuot ng face mask kahit nasa bahay

Mer Layson - Pang-masa
Magsuot ng face mask kahit nasa bahay
Paglilinaw naman ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya , ang maaari lamang gawin ng DILG ay manawagan sa publiko na obserbahan pa rin ang minimum public health standards kahit nasa loob ng kani-kanilang tahanan dahil hindi naman nila ito maaaring hulihin doon.
Walter Bollozos/File

DILG muling nanawagan sa publiko…

MANILA, Philippines — Upang makaiwas sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay muling nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko na magsuot ng face mask kahit sa loob ng kanilang mga tahanan.

Ang panawagan ay ginawa ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya sa isang online briefing, matapos na makapagtala ang mga Metro Manila hospital ng clustering ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mga magkakapamilya o fa­mily clustering.

Ayon kay Malaya, ganito rin ang naging mungkahi dati ni Interior Secretary Eduardo Año noong Agosto ng nakaraang taon matapos na naging mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases.

“Actually kung maaalala niyo, si Secretary Año nabatikos dyan last year when Secretary Año suggested na mag-face mask sa loob ng bahay, but you know he has been vindicated,” ani Malaya.

Iginiit pa niya na talagang kailangan itong gawin ngayon ng mga mamamayan lalo na kung galing sa labas ng bahay at hindi tiyak kung nakapag-uwi ng virus o hindi.

Paglilinaw naman ni Malaya, ang maaari lamang gawin ng DILG ay manawagan sa publiko na obserbahan pa rin ang minimum public health standards kahit nasa loob ng kani-kanilang tahanan dahil hindi naman nila ito maaaring hulihin doon.

vuukle comment

FACE MASK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with