^

Police Metro

2 timbog sa P108 milyong ‘tsaa-bu’ sa Makati

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang notoryus na drug pusher ang nalambat ng mga otoridad sa isang buy-bust operation at nakumpiska ang nasa P108 milyong halaga ng hinihinalang shabu na nakalagay sa Chinese tea pack, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Kemin Manisi, alyas Taba, 49-anyos, driver; at si Abdulrahim Ysmael, alyas Indeg, 28-anyos at kapwa nakatira sa Brgy. Maharlika, Cagayan De Oro.

Sa ulat, dakong alas-9:40 ng Lunes ng gabi nang magkasa ng anti-drug ope­rations ang mga otoridad sa may Kalayaan Avenue, Brgy. West Rembo.

Matagumpay na naka­bili ng shabu na nakalagay sa Chinese tea pack na may halagang P1 mil­yon ang poseur buyer sa dalawang suspek na agad na dinakma ng mga nakaantabay na mga ope­ratiba nang magbigay ng hudyat.

Umabot sa 155 block plastic pack ng Chinese tea na naglalaman ng tinata­yang 16 na kilo ng shabu at may halagang P108 milyon ang nasabat sa dalawang suspek.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with