^

Police Metro

Pinas may pinakamaraming donasyong bakuna buhat sa COVAX facility

Danilo Garcia - Pang-masa
Pinas may pinakamaraming donasyong bakuna buhat sa COVAX facility
Inihayag ito ni WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe bago ang inaasahang pagdating sa bansa ng inisyal na shipment ng 487,000 doses ng AstraZeneca nitong Huwebes ng gabi sa kabila ng problemang kanilang kinaharap sa pagdeliber nito.
AFP/Fabrice Coffrini

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng World Health Organization (WHO) na ang Pilipinas umano ang pinakamalaking recipient ng bakuna buhat sa COVAX Facility dahil sa inaasahang pagtanggap ng kabuuang 4.5 milyon na AstraZeneca COVID-19 vaccine.

Inihayag ito ni WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe bago ang inaasahang pagdating sa bansa ng inisyal na shipment ng 487,000 doses ng AstraZeneca nitong Huwebes ng gabi sa kabila ng problemang kanilang kinaharap sa pagdeliber nito.

Inaasahan na maide-deliber ang kabuuang 4.58 milyong doses ng AstraZeneca vaccine mula Marso hanggang Mayo bukod pa sa tatanggapin na 117,000 doses naman ng Pfizer-BioNTech vaccines bago magtapos ang buwan ng Marso.

Pinaalalahanan ng opisyal ang gobyerno ng Pilipinas na dapat matiyak ang paglalagakan at kapasidad sa pag-roll-out ng mga bakuna sa oras na magsidatingan na ang mga malakihang stocks ng bakuna tulad ng nagawa nito sa inisyal na delivery ng Sinovac vaccines.

vuukle comment

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with