^

Police Metro

Ulo ng kuya binoga ni utol

Tony Sandoval - Pang-masa
Ulo ng kuya binoga ni utol
Nakilala ang nasawi na si Benerando Capina, 52, may-asawa habang tumakas ang suspek na si Rode­rick, 50, binata na kinasuhan na ng murder.

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang magsasaka nang ito ay barilin sa ulo ng nakababatang kapatid na isang sekyu, naganap kamakalawa ng gabi sa Sitio Adelina, Barangay Lagalag, Tiaong, Quezon.

Nakilala ang nasawi na si Benerando Capina, 52, may-asawa habang tumakas ang suspek na si Rode­rick, 50, binata na kinasuhan na ng murder.

Bago nangyari ang krimen, alas-10:30 ng gabi ay masayang nag-iinuman ang magkapatid at nang malasing ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga ito sa hindi pa alam na isyu.

Umuwi sa kanyang bahay ang suspek at pagbalik ay armado na ng kalibre ng baril saka pinaputukan ang kuya sa ulo na agad nitong ikinasawi.

Tumakas agad ang suspek dala ang baril na ginamit sa krimen.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with