^

Police Metro

Misis na bagong panganak pinatay ng mister

Doris Franche - Pang-masa

Dahil sa P103K bill sa ospital...

MANILA, Philippines — Mistulang nawala sa pag-iisip ang isang mister nang ataduhin niya ng saksak ang bagong pa­nganak na misis, kamakalawa ng gabi sa General Santos City.

Nakakulong na sa Tinagacan Police ang suspek na si Rodolfo Bacyano, 34, ng Purok 6 Lower Labay, Tinagacan ng nasabing lungsod.

Ayon kay Police Capt. Nemesio Calipho, hepe ng Tinagacan Police Station, inamin ng suspek ang kanyang nagawang krimen sa kanyang misis na si Aileen Yama, 23 na nanganak ng kambal at umabot sa P103,000 ang bill.

Bago ito, nabatid na umuwing lasing kamakalawa ang suspek kaya’t umalis ang biktima bitbit ang kanilang tatlong buwang kambal na anak.

Sinundo ng suspek sa kapitbahay ang kanyang misis at nang makauwi ay doon na ito inundayan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasa pangangalaga pa ng mga kapitbahay ang naulilang tatlong buwang kambal.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with