^

Police Metro

Pandemic mananatili sa buong 2021 — WHO

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ng World Health Organization (WHO) na patuloy na mananatili at mananalasa ang coronavirus 2019 sa buong 2021 sa kabila ng pag-uumpisa ng ‘vaccination program’ ng iba’t ibang bansa sa mundo.

Sinabi ni WHO emergencies director Michael Ryan na hindi makatotohanan na magtatapos ang pandemya sa katapusan ng taon ngunit malaki naman ang tsansa na mabawasan na ang mga nagkakasakit ng malubha at nasasawi.

Kontrolado pa umano ng virus ang mundo at patunay nito ang pagtaas pa ng average ng mga bagong kaso sa buong mundo nitong nakaraang linggo matapos ang anim na linggong patuloy na pagbaba ng mga datos.

Sa pagbabakuna sa mga health care workers at mga nasa ‘most vulne­rable’, matatanggal naman ang takot ng tao sa pan­demya at mababawasan ang negatibong epekto.

vuukle comment

WORLD HEALTH ORGANIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with