^

Police Metro

5 sundalo nagpositibo sa COVID-19 habang nasa kampo

Raymund Catindig - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat ng Cagayan Provincial Health Office na limang tauhan ng Philippine Army ang nagpositibo sa COVID-19 sa loob ng kanilang kampo sa Brgy. Piggatan, Alcala, Cagayan.

Maliban sa isang ka­sapi na tubong Nagui­lian, Isabela na nakaranas ng pananakit ng ulo at sipon; ang apat ay pawang asymptomatic o walang nararanasang sintomas.

Ang sundalong may sintomas ay dinala sa Camp Melchor Dela Cruz Hospital sa Gamu, Isabela habang ang nalalabing apat ay isinailalim sa pagsusuri sa pasilidad ng kanilang kampo sa Alcala.

Inaalam sa contact tracing kung paano nahawa ang mga sundalo gayong wala naman silang kasaysayan ng paglalakbay o exposure sa mga nauna nang nagpositibo sa virus.

Ang mga nagpositibo ay unang bahagi ng mga resulta ng pagsusuring isinagawa sa 100- kataong tropa sa kampo ng 77th Infantry Battalion kabilang na ang mga mi­yembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) nitong nagdaang dalawang linggo.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with