^

Police Metro

‘Buddy-buddy system’ vs ‘abduction’ sa MPD

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Para pangontra sa mga armadong grupo na halos magkasunod na dumukot na sa dalawang pulis-Maynila ay ipinag-utos na ni Manila Police District (MPD) Director PBGen Leo Francisco sa kaniyang mga tauhan na magpatupad ng ‘buddy-buddy system’.

Sinabi ng heneral na kasalukuyan nilang pinag-aaralan ngayon kung may kaugnayan ang ginawang pagdukot kay PCpl Allan Hilario ng Meisic Police Station 11 nitong Pebrero 18 at kay Patrolman  Real Lopez Tesoro, dating nakatalaga sa Jose Abad Santos Police Station, nito namang Pebrero 23.

“Pinag-aaralan namin kung itong dalawang cases ng abduction dito sa Manila ay may relasyon. Kung titignan mo talaga, ito ay planado, halos parehas ‘yung kanilang modus operandi,” ayon kay Francisco.

Hindi naman umano masasabi kung buhay pa o nasa labas ng Metro Manila ang dalawa dahil sa parehong wala pang natatanggap na tawag buhat sa mga dumukot ang pamilya ng dalawang pulis.

Natukoy na rin nila ang may-ari ng Isuzu Crosswind na pinagsakyan kay Hilario habang sinusuri pa ang iba’t ibang CCTV camera sa Maynila para mas malinaw na matukoy ang SUV na ginamit naman sa pagdukot kay Tesoro.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with