^

Police Metro

3 pulis, 2 sibilyan todas sa road accident

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa idineklarang dead on arrival sa ospital ang limang katao kabilang ang tatlong pulis matapos na ang kanilang sasakyan ay mahulog sa malalim na kanal nang sumalpok sila sa motorsiklo sa Purok 2, Brgy. Lagab, Compostela, Davao de Oro, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Patrolman Adamson Casador, Patrolman Armon Pelicano, Cpl. Aries Jay Yray at magpinsan na sina Marjon at Jason Mabinse.

Sa ulat, alas-7:00 ng gabi ay sakay ang tatlong nasawing  pulis at isang Corporal Jayford Sumaliday ng itim na Toyota Fortuner nang bumangga sila sa motorsiklo na minamaneho ng isang Rodolfo Antiojo at angkas ang magpinsang Mabinse.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang mga sakay ng motorsiklo habang ang Toyota Fortuner naman ay tuluy-tuloy na nahulog sa isang pitong talampakang lalim na kanal.

Mabilis na dinala sa ospital ang mga biktima na kung saan idineklarang dead on arrival ang lima habang sugatan sina Cpl.Sumaliday at Antiojo.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with