Oral arguments sa ATL, sinuspinde
SC justices nag-self quarantine…
MANILA, Philippines — Suspendido ngayong araw ang itinakdang ikaapat na Oral arguments sa mga petisyon na kontra sa Anti-Terrorism Law (ATL).
Sinabi ni SC Clerk of Court Edgar Aricheta, ilan sa mga mahistrado ang nag-self quarantine bilang bahagi ng pag-iingat sa COVID 19 matapos magpositibo ang isang mahistrado sa COVID-19 na hindi pinangalanan na umano’y asymptomatic naman at nasa maayos na kondisyon.
Ang pagpapatuloy ng oral argument para sa mga petisyon kontra sa Anti-Terror Law na orihinal na nakatakda sa Pebrero 23 ay inilipat na sa Marso 2.
Nagpapatupad naman ng mahigpit na mga protocols ang SC sa mga kalahok sa oral arguments kabilang ang paglilimita sa mga dadalo para makasunod sa ‘health requirements’ ng pamahalaan tuwing nagsasagawa nito.
- Latest